KAKORNYHAN

“Solo Flight”

Marami sa atin ang naniniwala na ang mga bagay-bagay na nagpapasaya sa isang tao ay dumodoble o tumitriple pa ang kasiyahan pag mas marami ang mga nakikisalo sa kasiyahan, pagdiriwang, at mga katuwaan. Natural na sa ating mga Pilipino ang mag-yaya o “mag-yakag” ng mga kaibigan, kakilala, katrabaho, kaklase, pinsan, kapatid, kasintahan, nililigawan at kung sino pa ang maaring yayain pag mayroong munti o grandeng salo-salo. Ika nga ng makabagong mga Pilipinong kasabihan, “The more, the manyer.”

Ngunit hindi ito dapat maging balakid para sa atin na tinatawag na mga “soloista” o mga mahilig mag-“Solo Flight.” Hindi naman laging nadadaan sa dami ang pagsasaya. Marami ding bagay na pwede nating mga “singles” upang mapalipas ang mga oras na nararamdaman natin ang kalungkutan ng pag-iisa.

Ano nga ba ang pwedeng gawin upang mapasaya natin ang ating sarili? (Teka, para sa marurumi ang isip, uunahan ko na kayo: “wholesome” na bagay lamang ang babangitin ko dito sa aking “blog.” Sa akin na lang ang mga bagay na hindi mailalagay sa kategorya ng “wholesome.”)

1. Magbasa ng mga libro: Unang-una, mahirap naman magbasa ng libro na marami kayong magbabasa ng sabay-sabay. Mas masaya siyempre magbasa ng aklat mag-isa. Depende sa iyong pangungursunada kung ano ang librong magpapasaya sa iyo. May mga tao na natutuwa sa mga librong puno ng aral at mga malalalim na mga ideolohiya na makakapagpayaman sa pag-iisip at makakapagbuo sa pagkatao ng isang indibiduwal. May mga libro na nakakatawa at nakakapagpasakit ng tiyan, at hindi mo na kailangan pang mag-isip upang matuwa. Mayroon ding mga aklat na kahit kaunti ang mga salitang nakasulat, ito naman ay may kalakip na mga obra ng mga magagaling sa sining ng pagpinta, pagguhit at pagkuha ng litrato. At marami pang mga “genre” ng mga aklat o libro na magdadala ng iba’t ibang antas ng kasiyahan para sa mambabasa. May taong natutuwa sa pagbabasa ng aklat ng “Revelation” ng Banal na Bibilia, sa Pugad Baboy, sa “Daily Dilbert”, sa “cookbook” at marami pang iba.

2. Maligo: Kung ikaw ay “single”, walang pasok sa opisina, walang ibang gagawin, mainit ang panahon at hindi ka pa naliligo, aba, MALIGO NG MATAGAL! Kakaibang pakiramdam ang naihahatid ng paliligo. Huwag nang mag-atubili at magyakag ng kasabay. Unang-una, ang paghagod ng tubig sa katawang kating-kati at init-na-init (Teka, para sa marurumi ulit ang isip, dahan-dahan lang baka ako ma-“censor” ng MTRCB) ay tulad ng “manna” na hulog ng langit. Ito ay nagdadala ng paglilinis sa ating katawan sa loob at labas. Ayon sa mga eksperto (“Translation:” Ang aking karanasan), ang unang buhos sa pagligo habang nakapikit ang mga mata at pagbigay ng “concentration” sa akto ng pagbuhos ng tubig ay may dalang ginhawa na hindi lamang nadarama ng balat, kundi pati ng pagkatao natin. Ngunit ito ay madarama lamang kung ang taong naliligo ay nasa tamang “mindset.” Lasapin mo ang bawat buhos, ang bawat hagod ng sabon, bimpo at batong panghilod. Kung ikaw ay medyo may kaya sa buhay, ibabad ang sarili sa “bubble bath” or “body scrub.” Kung kakayanin na nakapikit ang iyong mata ng mas madalas kaysa nakamulat, gawin ito. Damdamin mo ng husto ang akto ng paliligo at pagkatapos nito, mapapangiti ka na lang dahil nauto ka ng isang katulad ko (Biro lang po, mga minamahal kong mambabasa!)

3. Matulog: Sigurado ako mas masarap ang tulog kapag mag-isa ka lang. Kung may kasama ka sa kama at ikaw ay katulad kong saksakan ng likot matulog, hindi matutuwa ang iyong katabi at hindi masaya ang magiging kahahantungan ng iyong pagtulog. Madali lang ito, wala masyadong gastos at hindi mo na kailangan pang mag-abala para gawin ito. Kung ikaw ay merong “air conditioner,” swerte ka dahil sindihan mo lang ito, mag lagay ng sangkatutak na unan na ubod ng lambot, isang komportableng kumot at mahiga. Mas masaya at kumpleto kung may kalakip na masayang mga panaginip ang iyong pagtulog. “Bad Vibes” na lamang kung binangungot ka. Pasensyahan na lang. Para makasiguro kahit paano laban sa bangungot, huwag kumain ng marami bago matulog.

4. Manood ng JACK TV o ETC: Kahit wala kaming ganitong channel sa aming “cable provider,” marami na akong naririnig sa mga napagandang mga programa sa mga himpilan na ito. Kahit patay ang oras mo, ikaw na ang magugulat at ilang oras na pala ang napalipas mo sa kakapanood ng mga napakagandang mga programa sa telebisyon.

Ilan lamang ito sa mga paraan upang mapalipas ang oras at maaliw ang sarili sa pag-iisa. Siguro kung may maisip pa akong mga ibang bagay, gagawin ko na lang sa ikalawang yugto nitong aking pagsulat sa “entry” na ito.

2 thoughts on “KAKORNYHAN

  1. …wow! nakakaaliw naman ang entry na ito! pero may nakalimutan ka yata…pinakamasarap ito sa lahat…mag-dasal! kahit masaya o malungkot, walang pera o bagong sweldo, tahimik o magulo ang isip…walang dadaig sa pagdasal..lalo na pag brokenhearted. 😉

  2. hahah oo nga pala. sorry about that heheh. iba nga lang ako magdasal, walang luhod, sign of the cross or what. i just do it while lying down, in my head, with my eyes staring at the ceiling. I pray for other people first, madalas last ako, minsan ako first. depende sa mood.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s