THOUGHTS (in Filipino)

“Tawag ng Kalamnan”

Isang araw na naman ang natapos.

Pagod.

Kinansela ko na ang aking pag-eehersisyo sa gym. Nagkaroon ng sitwasyon sa opisina kaya’t hindi ako naka-alis ng mas maaga. Sayang.

Lumabas ko ng opisina, at ng gusaling kinalulugdan nito. Pagdating sa labas, ako’y napabuntung hininga. Diretso ako ng uwi. Wala akong kasabay. Ako lang.

Mapapaisip na naman ako ng kung ano-ano nito.

Pag tahimik ang mundo mo, o ika’y nag-iisa, maingay pa rin sa dami ng mga bagay na dumadaan sa ating isipan.

Nag-umpisa na akong maglakad papunta ng sakayan ng bus. Sana, may biyahe pa, kahit mag-aalas-otso na.

Lakad. Hakbang. Tingin sa paligid. Tingin sa langit. Tingin sa mga taong may kasama.

Tingin sa mga taong nag-iisa.

Pareho lang kaya kami ng mga iniisip, mga kapwa kong nagsosolo?

Kaunting hakbang na lang, istasyon na ng bus.

Bigla kong nakita ang isang magkasintahan na nakaupo sa may salamin ng isang kainan. Mukha silang masaya. Sarap na sarap sila. Kitang-kita ko sa
kinang sa mga mata nila. Kitang kita ko sa mga labi nila ang ebidensya. Sa mga daliri ng kanilang kamay.

Gusto ko rin non.

Sabi ng aking paa, “Uwi na tayo.” Sabi ng aking tiyan, “Ang sarap naman ng ChickenJoy!”

Pumasok ako sa kinainan nila.

Pumila. Umorder. Umupo. Kumain. Tumayo. Umuwi.

Magastos umuwi ng mag-isa. Pero masarap talaga ang ChickenJoy.

(Kala nyo nainggit ako sa magsyota noh!)

6 thoughts on “THOUGHTS (in Filipino)

  1. Bravo! I actually suddenly missed Chicken Joy, which only proves how effective this one was!Pero mas miss ko yung a-cha-ra pa-lang, ex-tra rice na! or yung ice tea pa lang, u-lam na!Up, up and away!

  2. pa-re! kakamiss nga rin yung tapsi ng PhilAm eh! naalala nga kita nung nag Ice-Tea-Pa-Lang-U-LAM-na kami ni MeAnn at Inna dahil ikaw din ang nagpakilala sa akin ng lugar!peace out mmeyn!

  3. trina,kala mo nainggit ako sa lovers? hehehehe 🙂 ang corny ko tlaga heheheh wla lang, writing the post just happened :pshynne,nakupo, sometimes, when I am dared to do something, I really do it. heheh though hindi mo ako dinare, wala lang, wala ako ibang maisip na title :p

  4. holla @ shynne:asus “tawag ng kalamnan” <-- u suggested the title? hahaha ikaw talaga!!! konting finesse naman for johnny! hahahaha! kidding!holla @ johnny:i told u she’s uber funny and H***y…Humpy (whatda?!)! Happy! hehehehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s