MUSIKA

Ang Dagundong ng Makina

Ang mga bandang tumugtog sa Mai-Yuchi


Mga ilang buwan na ang lumipas mula nang huli kong napuntahan ang mga tugtugan ng Machinesledge at Eida. Buti na lang tinext ako ni Jayvee, at pina-alalahanan ako ni Robin at TJ na mayroon silang tugtugan sa Mai-Yuchi Bar and Grill sa Adriatico St., Malate. Pagkagaling ko sa trabaho kagabi, napa-isip din ako kung pupunta pa ako dahil medyo pagod na ako at masakit ang ulo sa dami ng mga ginawa ko buong araw. Ngunit talagang itininadhanang pumunta ako doon dahil una tumigil ang ulan, pangalawa inalok ako ng aking ka-opisina na si Bri na sumabay hanggang Makati.

Napa-aga pa nga ata ako, pero ayos lang, napanood ko ang set ng Stitches. Magaling din sila, siguro mahahasa din ang bandang ito para mabuo ang tunog nila kung lagi silang tutugtog sa mga ganitong lugar. Puno ang Mai-Yuchi nung ‘set’ nila. Puro babae ang Stitches, at pinakagusto ko ang huling kanta nila, yung “Kristal.”

Sugar Hiccup

Lumabas ako pagkatapos nun, inantay ko sila TJ at Robin. Pagdating nila, nagkamustahan na kami: sila Terence (drummer), Gabs (vocalist), Alain (bassist), kasama din ang mga dating tumambay sa amin nung minsang hindi natuloy ang tugtugan. Tamang tama set na ng Sugar Hiccup kaya dali dali kaming umakyat para panoorin sila. Si Bea na bokalista at gitarista ng Sugar Hiccup ay kasintahan pala ng gitarista ng Machinesledge na si Rommel, kaya medyo “rubbing elbows” kami kahit paano.

Si Robin naghahanap ng makakain. Nabitin sa siopao.

Habang inaantay ang set ng Machinesledge at Eida, gumalagala muna kami sa paligid. Kumain sa 7-11 at Pic and Pac, kumukuha ng sari-saring litrato, nakikinig sa mga ibang bandang tumugtog. Himala at di kami masyado kumarga ng alak, dahil alam namin pagkatapos ng tugtugan, mahaba-habang inuman.

Domination: Rommel, TJ, Gabs, Tence and Alain in action.

TJ at Gabs

Tence at Alain

Makina sa Dilim

Nang umakyat na ang Machinesledge sa entablado, nagulat pa rin ako sa tindi ng tugtugan nila. Para bang bawat gig nila na puntahan ko, iba ang pagkakarinig ko sa tugtugan nila. Pero sa gabing ito, narinig ko ang tunay na ratsada ng Makina. Ang musikang metal na nagpadagundong sa Mai-Yuchi, nagpatalon sa mga manonood sa taas. Makikita mo ang mga sabay sabay nag pagtaas-baba at ulo ng mga tao. Mapa-babae at lalaki, napapa-headbang, napapatapik ang paa, napapaindak.

Eida naman: Si Gemma (vox), Rommel “Flip” (rhythm guitar), Jayvee (bass), TJ (lead guitar) at Tence (drums).

“Magandang gabi po, kami po ang Eida.”
Mga birit ni Gemma sa “Mother, Mother”

Pero iba talaga ang enerhiya ng Makina sa entablado. Walang nakatayo lang. Lahat gumagalaw. Ang boses ni Gabs humahalo sa mga gitara ni Rommel at TJ, sa palo ni Tence at sa dagundong ng bass ni Alain. Ang tunog nila iba na. Buong buo. Metal na metal. Pati ang Eida, unti-unti na rin nabubuo ang tunog. Ang kanilang pag awit ng “Mother, Mother” ni Tracy Bonham ay kakaiba. Astig na astig ang pagkanta ni Gemma. Nang matapos nga ang set ng Eida, may mga sumisigaw ng “isa pa!”

Sabi ni Robin, dahil dalawa na ang gitarista, kumapal na ang tunog ng Makina. At sumasangayon naman ako. Sa tingin ko, sa lahat ng banda ng tumugtog ng gabing yun, walang pumantay sa dagundong ng Makina.

***

As usual, wala ako sa mga litrato 🙂

8 thoughts on “MUSIKA

  1. wow! mabuhay talaga maiyuchi sa pagpapayanig sa malate!sayang! i shouldve invited you wen my bro played there… watch out for them pare! readourlines is the name of the band! 😀

  2. teachoy: work hard, rock harder. it felt good to try capturing the energy shown onstage by Machinesledge. This saturday ulit, photographer ako heheh.persh: hey you long time no see ah! 🙂 sige link din kita ha? its been a while ha 🙂 woohoo i am really back 🙂dean: just one performance is all i ask, even if i know for a fact it can be addicting 😀 i wish i could play the guitar like TJ can 😀jengjeng: swabe tlaga maiyuchi! rakrakan galore! text mo ako next time ha? sarap magbasag ng tenga 😀

  3. gabs here! thank you! sori hindi ako nakasama sa inyo kasi mag aalaga pa ako ng baby… sana tomorow maka inom ako! see you and salamat ulit!!!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s