THOUGHTS

INUMAN NA


Akala ng iba, ang mga tao ay umiinom at naglalasing lamang para magsaya at para mapawi ang kalungkutan sa katawan. Ang iba naman iniisip na ang tao ay umiinom lamang upang ipakita ang kanilang pagrerebelde laban sa mga magulang at iba pang mga “authority figure”. Ang iba naman iniisip ang mga tao na umiinom nagpapakalango lang para makalimutan ang problema ng pangaraw-araw na buhay. At syempre, akala ng mga kabataan, ang inuman ay isang paligsahan: mas marami kang uminom, mas

Kung tatanungin ko ang aking sarili, bakit ba ako umiinom?

Para sa akin, ang inuman ay hindi lang lasingan. Mas matimbang ang dahilan na nakikisalo ako sa inuman ay dahil upang maki-isa at makapagtipon-tipon. Tiyak kasi mayroong magkukuwento at magpapalitan ng kuro-kuro’t opinyon.


Maraming klaseng inuman na akong napuntahan: mayroong mga inuman na konti ang alak, marami ang tao pero sagana sa kwentuhan. Maraming mga bagay na pwedeng kapulutan ng panibagong kaalaman (mag-ingat lang sa kwentong lasing). Mayroon ding inuman na konti ang alak, konti rin ang tao pero mga tunay at matatalik na kaibigan ang kasalo ko. Hindi ko nga alam kung paano kami umaabot ng mahigit anim na oras na magkakasama sa lilimang bote/lata ng alak.


Nakainom na rin ako sa sari-saring mga lugar: sa bar, sa tabi ng basketball court, sa ilalim ng puno ng mangga, sa tabi ng bilyaran, sa harapan ng bahay namin, sa swimming pool, sa likod ng pick-up… O di ba? Kung saan abutin ng kahayukan uminom, sige lang! Mayroon ding engrande ang inuman, para bang hindi nauubos ang iniinom kahit marami kayong nag-iinuman, at labo-labo na ang kwentuhan, habang may mga ibang ginagawang kanin ang pulutan (sabay hingi ng kanin, kahit bahaw tataluhin).


Ang puno’t dulo ng aking sinulat na ito ay simple lamang: may kanya-kanya tayong dahilan kung bakit tayo umiinom. Malasing man o mabitin, ang mahalaga sa inuman ay kasama mo ang mga tao na kumportable ka makipagpalitan ng kwento, kaalaman o ang mga taong gusto mo pang makilala ng mas mabuti. Sabi nga nila, ang karga ng alak ay nagpapalawak ng napakaraming posibilidad.

O, ano? Tagay na ba tayo?

** P.S. Kaya ko siguro naisipang magsulat ng ganito dahil Oktoberfest na. Trivia: Sinabi sa akin ni Miss J na ang Oktoberfest sa Alemanya (Germany) ay ginaganap sa buwan ng Setyembre. Weird ba? Ah, basta, dito sa village namin, buong taon pwede i-celebrate ang Oktoberfest!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s